Friday, October 30, 2015

Tadhana

Madalas nasaktan, minsang nakasakit
Dahil sa isang pangarap na nais makamit

Di na natuto.
Ang tigas ng ulo.

Sinabihan nang huwag,
Pero pinilit at pumalag

Di na natuto.
Ang tigas ng ulo.

Inakala na "siya na", "eto na" "sigurado na"
Pero bigo at nauwi sa wala.

Sinabihan muli na umiwas
Ngunit siya ang laging bulalas.

Di na natuto.
Ang tigas ng ulo.

Ngayo'y may nakita.
Desidido. Sya na nga.

Ngunit di maari.
Iba ang pinili.
Dahil nagmamadali
Muli ay naging sawi.

Di na natuto.
Ang tigas ng ulo.

Ilang beses pang kailangang masaktan
Bago tuluyang may matutunan?

Ngayo'y muling nabigyan nang pagkakataon
Sarili ay magpahinga at huminahon.

Pero minsa'y di maiwasan
Ang siyang inakalang tawag nang tadhana'y muling balikan.

Siya ay handa.
Ikaw ay nagpapahinga.

Landas ba'y muling pagtatagpuin?
O ito'y muling palalampasin?

No comments: