Monday, November 02, 2015

Hukay

'Pag may namatay,
tayo ay nalulumbay.

Iiyak dahil sa sakit,
dahil sa pait.

Matagal tagal din ito.
Mundo mo ay tila huminto.

Di matangaap ang biglang pagkawala
Iniwanan lang tayong puno ng mga alaala.

Mga alaalang sadyang di maisasantabi
Dahil ito'y nagbibigay ng ngiti sa ating mga labi.

Tila nakakalimutan na natin ang pait ng paglisan sa mundo
ng taong minahal natin ng totoo.

Pero sa isang iglap,
biglang kukurap.

Maiisip mo na lang na hanggang doon na lang...
Hanggang doon na lang.

Iiyak kang muli,
iyak na mas matindi.

Dadaan ang araw, linggo.
Ikaw ay tila nalilito.

Ngunit darating ang araw
na lahat ng ito ay kailangang ibaon sa limot

Dahil ikaw ay may sarili pang dapat na iniintindi
matapos ang lahat ng luha at pighati.

Dumating ang araw na kinatatakutan.

Ang lahat ay ibabaon sa hukay ng kawalan
at dapat nang kalimutan.

Nag alay ng huling dasal.
Nagpaalam ngunit iyak lamang ang busal.

Wala na. 
Wala na siya.

Sana'y ganito rin kadali.

Hukayin at ibaon sa limot,
mga alaala ng nakaraan na hanggang ngayon ay bumabalot

Sa isip at sa damdamin, pilit ibinabalik ang mga sakit
na nagdudulot ng pait.

At walang humpay na iyak ang kapalit.

Lalo pa't ang mga alalaalang bumabagabag
ay napakihrap ipagpag.

Dahil lahat ng ito'y minsa'y nagbigay-daan
upang ang iyong buhay ay magkaroon ng dahilan.

Sana'y ganun kadali ang sabihing 

"Tama na"
"Ayoko na"